YOUR TALENT IS A GIFT, USE IT FOR GOD!

ツ Wesley Bacate



Have you ever wondered why God gave you a particular talent or ability? May mga taong mahusay kumanta, tumugtog, magturo, mamuno, o makipag-communicate sa iba. Pero ang tanong, ginagamit ba natin ang mga kakayahang ito para sa kaluwalhatian ng Diyos, o para lamang sa sarili nating recognition?

Notice, what God has entrusted to us is not just for our personal benefit. Our talents can become instruments of service and worship when we use them for Him.


SCRIPTURE

1 Chronicles 25


OBSERVATION

1. USE YOUR TALENT TO HONOR GOD. (vv. 1–3)

Inorganisa ni David ang mga anak nina Asaph, Heman, at Jeduthun para sa ministry of music. Ginamit nila ang iba't ibang instruments at singing upang maglingkod at magpuri sa Panginoon.

Notice, hindi lamang sila musicians; they were appointed for the service of the LORD. Ang kanilang musical abilities ay ginamit hindi para magpasikat, kundi para parangalan ang Diyos.

Remember, ang talent na mayroon tayo ay ipinagkatiwala ng Diyos. Kaya hindi dapat ito maging dahilan para magyabang, kundi pagkakataon para maglingkod.

Sa New Testament, sinasabi sa 1 Peter 4:10 na gamitin natin ang mga kaloob na tinanggap natin upang maglingkod sa isa't isa bilang mabubuting katiwala ng biyaya ng Diyos. Si Jesus din ang ating halimbawa dahil ginamit Niya ang Kanyang buhay upang tuparin ang kalooban ng Ama (John 6:38).


2. DEVELOP YOUR TALENT THROUGH FAITHFUL PREPARATION. (vv. 6–7)

Sa verse 7, binanggit na ang mga musicians ay trained and skilled sa kanilang paglilingkod. May 288 silang bilang na sinanay at bihasa sa pag-awit para sa Panginoon.

Notice, hindi lamang sila umasa sa kanilang natural abilities. They were trained and prepared for their ministry.

Remember, having a talent is a gift, but developing it requires discipline and commitment. Hindi sapat na may kakayahan ka; kailangan mo rin itong pagyamanin upang mas maging kapaki-pakinabang sa gawain ng Diyos.

Sa 2 Timothy 2:15, hinikayat ni Paul si Timothy na maging masikap at mahusay sa kanyang paglilingkod at pangangasiwa sa Salita ng Diyos. Ganoon din tayo: dapat nating pagbutihin ang mga kakayahang ipinagkatiwala sa atin.


3. BE FAITHFUL IN YOUR ASSIGNED RESPONSIBILITY. (vv. 8–31)

Hinati ni David ang mga musicians sa 24 divisions sa pamamagitan ng casting of lots. Bawat grupo ay may nakatalagang schedule at responsibility sa paglilingkod.

Notice, hindi lahat ay sabay-sabay na naglilingkod, at hindi rin pare-pareho ang kanilang assignment. Pero bawat isa ay may bahagi sa ministry.

Remember, hindi mo kailangang gawin ang ginagawa ng iba para maging mahalaga ang iyong paglilingkod. Ang mahalaga ay maging faithful ka sa responsibility na ipinagkatiwala sa iyo.

Sa 1 Corinthians 12:4–7, ipinaliwanag ni Paul na may iba't ibang gifts at services, pero iisa ang Espiritung gumagawa sa lahat. At si Cristo ang Head ng Church (Colossians 1:18). Kaya ang bawat talent at ministry ay dapat gamitin para sa Kanyang kaluwalhatian.


APPLICATION

  1. DISCOVER AND DEVELOP THE TALENT GOD HAS GIVEN YOU. Huwag mong balewalain ang mga kakayahang ipinagkatiwala sa iyo ng Diyos. Pagbutihin mo ang mga ito at gamitin sa paglilingkod sa Kanya.

  2. USE YOUR TALENT FAITHFULLY, NOT FOR PERSONAL RECOGNITION. Huwag mong ikumpara ang iyong kakayahan sa iba. Maging tapat sa iyong responsibility at gamitin ang iyong talent upang mapaglingkuran ang iba at maparangalan si Cristo.


PRAYER

Comments

Popular Posts